Sana masaya ka palagi

Hello mga kaibigan, nais ko lang kayong anyayahan na maging masaya araw-araw. Dahil bakit mo pa pipiliing malungkot?, kung pwede ka namang magpaka-saya. Ang bawat pagdedesisyon natin sa buhay ang makakapagdulot sa'yo ng positibo't negatibong bagay. Minsan, kailangan mo lang magpadala sa gusto at nais at 'wag makinig sa kumokontrang isip at opinyon ng iba, nakakagulo lang sila. Hindi totoo na minsan may mga bagay na NO CHOICE, dahil nakasalalay naman sa'yo ang lahat. Mag-tiwala, manalig, 'wag mangamba at patuloy ka lang maging maligaya. kapag ganyan palagi ang araw mo, hindi mo nanaising magpakalugmok sa isang tabi. Sa makatuwid kaibigan, bigyan mo lang ng chance, ay mali, piliin mo ang landas na makakapag-paligaya sa'yo.



P.S. 'Wag mo agad alalahanin ang problema, kung dadating 'yan, sa huli yan dadating, pero mas maganda kung masaya ka ngayon at pwede rin namang mangyari na masaya nalang palagi at walang dadating na problema.


KAWAY sa bukang liwayway, nagaabang ang bukas na kailangan mo lang punan ng reaksyon :D
Salamat sa pagaaksaya ng panahon.