Monday, October 22, 2012

Unang parte ng pagaaakda

"Ayos lang basta okay sa'yo,
tama ka kahit hindi ako sang-ayon,
marunong pero hindi magaling,
umoo kahit nagdududa,
naglalakbay nang hindi naglalakad,
nagsasalita nang walang kausap,
kumakain nang walang ulam,
perpekto ngunit mali,
pasado kahit tagilid,
pangit hangga't may nagsasabi,
kaya kung okay lang sa'yo ay ayos lang."